Thursday, March 15, 2012

EDITORYAL






Madaming depekto kaya mura.



Kapalit ng ‘murang’ tuition fee na binabayad mo ay ang ‘di mabilang na sakit ng ulo; mula sa kulang na gamit at classrooms hanggang sa bulok na sistema ng enrollment. Tanggapin natin, mahirap na bansa lamang tayo kaya naman nahihirapang tustusan ng gobyerno ang bawat pangangailangang dapat sana ay nabibigay sa mga mababang pamantasan.

Kamakailan ay na-aprubahan na ang inaasahang solusyon sa problema ng enrollment system sa Bulacan State University; ang LAN-based system kung saan ay malo-localize na ang assessment process na unang hakbang upang makapag-enroll. Ngunit ‘tila yata ang solusyong ito ay repleksyon pa din ng limitadong galaw ng unibersidad patungo sa pag-unlad dahil sa kakulangang pinansyal.

Kung ikukumpara ito sa ibang pamantasan na ‘di hamak ay may mas malaking badyet at mas mahal na tuition fee, ito na yata ang pinakamababang solusyon sa problema. Patunay itong may kapalit ang murang halagang binabayaran mo.

Mahina ang LAN-based system. Kakambal na nito ang ‘di mabilang na problemang maaaring pagdaan kung sakaling mapatupad nga ito. Una na dito ang pagkakaroon ng system-related problems at hacking prone features kung saan ay delikadong mapasok ng illegal ang sistema ng nasabing machineries. Dagdag pa dito ay malaking gagatusin sa pagbili ng mga kakailanganing equipments upang magamit ang nasabing sistema. Sa huli, kung titingnan, hindi epektibong solusyon ito kung isasa-alang alang ang gastos.

Isa pa, mawawala nga ang pila sa assessment, lalala naman ang sa cashier at sa registrar. Maliban na lamang kung ang dating windows ng assessment ay gagawin na ‘din windows ng cashier upang kahit papaano ay mabawasan ang haba ng pila. ‘Yon nga lang, may pila pa din.

Mahinang solusyon man ang unang susubukan ng administrayon, paunang hakbang na din ito sa pag-unlad. Kung maiiwasan ang mga nabanggit na depekto sa sistema, maaaring maibsan ang problema sa matagal at mahirap na proseso ng  enrollment sa unibersidad.

Kailangang magtiis kapalit ang murang halaga.

Wednesday, March 14, 2012

CRUMPLED PAPERS


Nang hindi nila ako pansinin

Ang katalinuhan nasa kakayahan, wala sa kabisahan.


Mula nang tumuntong ako ng kolehiyo, sinabi ko na sa sarili ko na hindi na pwede mangayari sa’kin ang nakasanayan noong High School; hindi pwedeng puro honor students lang ang napapansin.

Naniniwala akong hindi nasusukat ang talino sa mga grade na naitatala sa class cards. Kung mababang grade ko sa Nihonggo, hindi ibig sabihin n’on na mahina na ang ulo ko at mas matalino sa’kin ang mga nakakuha ng mas mataas na grado. Mas magaling lang siya magkabisa, at mas masipag magreview.

Tuwing naalala ko ang High School, unang pumapasok sa isip ko (maliban sa mga masasayang alaala kasama ang mga kaibigan), ay ang diskriminasyon sa pagitan ng mga honor at non-honor students, sa pagitan ng cream section at second section. Mula kinder hanggang 4th year High School, kabilang ako sa cream section pero hindi ako madalas natutuntong sa tinatawag naming top 20. Kapag nasa top 20 ka, matalino ka na. Automatic ‘yon. Kayo ang laging leader sa groupings, kayo ang laging bida sa mga events, at kayo ang laging pinapaboran ng mga teacher. Medyo unfair di ba? Paano na lang kung ang tunay na matalino pala ay hindi lang masipag mag-aral?

Sa isip-isip ko lang no’n, mabuting kasanayan ba yo’n para mahubog ang tunay na katalinuhan ng isang tao? Nakikita ko kung paano i-push ng mga magulang nila, pati ng mismong mga teacher, ang mga honor students na kaklase ko. Bawal manood ng TV pag may exam kinabukasan, kailangang magkulong sa kwarto para magreview. Samantalang ako, manood muna ‘tsaka maglalaro bago buklatin ang notes. Magyayabang na ako, pero hindi naman ako nagre-review ng todo noong High School pero hindi ako nalalaglag sa cream section, at hindi ako bumabagsak.

May kanya-kanyang talino ang bawat tao; may magaling talaga sa numero na tipong sisiw lang ang karaniwang reklamo ng karamihan na Math. May mga tao naman na magaling magsulat at magsalita at bawat pahayag nila ay epektibo. Mayroon ‘ding magagaling gumuhit na halos tawaging halimaw dahil sa mga obrang ‘di mo aakalaing kayang i-drowing ng tao. Huwag nating gawing sukatan ng kakayahan ang mga grado, hindi naman pwedeng sa lahat ng bagay matalino ka.

Oo, hindi pwedeng sa lahat na lang magaling ka. Kung magaling ka sumayaw, baka hindi ka magaling kumanta. Kung magaling ka sa Math, baka mahina ka sa Grammar. At kung magaling ka sa lahat ng academics, baka naman mahina ka sa emosyonal na katalinuhan. Nobody is perfect, yet we should try to look for something we are at least good at.

Sabi ng mga naging teacher ko sa school na pinaggalingan ko bago ako magcollege na mahihirapan daw akong maging successful sa buhay kung hindi ko pagtutuunan ng pansin ang problema ko sa Math. Mahinang mahina ako Math, sa tingin ko nga may dyscalculia ako na counter-part ng dyslexia. Nawawalan na sila ng pag-asa sa akin, minsan nga napapagalit ko pa sila dahil sa katangahan ko sa Math. Kaya nasabi nilang wala akong mararating sa buhay..

Pero madami na akong napanalong contest pagdating sa writing. Naging National Champion na ako sa Editorial Writing. Lumalaban na ako sa Regional Press Conferences. Kasalukuyan akong News Editor ng isang award winning university paper. Tatlong taon na akong campus journalist. Napapadala na ako sa iba’t ibang parte ng Pilipinas para dumalo sa mga journalistic seminars. At na-iimbitahan na ako magtalk sa ibat’ ibang lugar, kabliang na sa akademyang pinanggalingan ko.

Taas noon a akong nakakaharap sa mga taong nagsabing ang tanga tanga ko sa Math, pero hindi napansin ang galling ko sa pagsusulat.



PERFECTLY IMPERFECT



             Failures

“Ang pagkakamali, normal yan, pagka-nadapa, normal din. Kung alam mo namang mali at ipinagpatuloy mo pa, yun ang hindi na talaga tama.” Isa sa mga litanyang binitawan ng iniidolo kong si Papa Jack na sadyang tumatak sa aking isipan, hanggang ngayon.

Marami sa atin ang masyadong ibinababa ang sarili tuwing nagkakamali, pakiramdam nila wala ng bukas, at sirang sira na ang kanilang mga buhay, ngunit hindi ba nila naisip na minsan kailangan nating magkamali para maunawaan natin ang mga bagay bagay?

Matuto rin tayong tanggapin na hindi tayo perpekto, oo madalas naniniwala tayo na kailangan maging perpekto tayo sa lahat ng bagay na ginagawa natin,ngunit kailangan din nating isalang-alang na walang taong perpekto upang mailabas natin ang ating tunay na pagkatao.
Parang sa pagmahahal din yan eh, kung nabigo ka sa pag-ibig huwag kang matakot na umibig muli. Kahit anong gawin mo, basta nagmahal ka, hindi mawawala yung pagkakataon na masaktan ka, kasi parte yun ng pagmamahal. At sa buhay natin, hindi ka matututo kung hindi ka magkakamali. Ika nga “learn from your mistakes.”

Kagaya ko isa ako sa mga estudyanteng hindi pinagpala pagdating sa numero, sa unang beses kong kumuha ng College Algebra ay hindi ko naipasa, singko. Hindi ako nawalan ng pag-asa at sumubok pa ulit ako, ngunit dahil nga hindi ako pinagpala, INC naman, Pero dahil naniniwala ako sa kasabihang “learn from your mistakes” di ako sumuko at sa ikatlong pagkakataon, ginawa ko ang lahat, at  naipasa ko ang subject na ito.

Ang pagkakamali ay hindi lamang isang negatibong bagay na nangyayari sa ating buhay, kadalasan ay dito pa nga tayo maraming natututunan. Siguro kung paulit ulit man tayong magkamali, mayroon itong itinuturo sa atin na paulit ulit din nating kinakaligtaan. Kung mas marami kang pagkakamaling nagawa, mas marami kang natututunan. Hindi ko sinasabi na wag ka ng gumawa ng tama, mas mabuti lang na mapagtanto rin natin na may positibong bagay rin palang naidudulot an ating mga pagkakamali. Magsisilbi rin itong inspirasyon na mas makakapagpatibay pa sa ating pagkatao. XD

UNSTOPPABLE




Lubid ng Pasensya



Hindi ko alam kung gaano kahaba ang aking pasensya! Basta isa lang ang alam ko, hangga’t kaya ko pang magtiis at umintindi gagawin ko, pero kung dumating na talaga sa punto na hindi ko na kaya, ako na mismo ang papatid sa lubid ng pasensya ko.

Lahat ng tao pinagkalooban ng pang-unawa. Ipagkaila mo man ‘yon, makikita at maipapakita mo pa rin ‘yon sa mga taong mahal mo. Mahal mo na kahit anong gawin nilang kamalian sa’yo ay iintindihan at uunawain mo ang mga saliwang bagay na nagawa nila sa’yo. Sino nga ba ang mga taong kaya nating intindihin ng matagal, ‘yong tipong kahit inis na inis at pikon na pikon ka na, pero hindi mo magawang magalit sa kanila, dahil malaki ang pwesto nila d’yan sa buhay mo, sa puso mo.  Maaaring nangunguna na sa mga uunawain mo ng matagal ay ang pamilya mo, sunod ang kaibigan mo at ang huli ay ang espesyal na taong dumating at dadating pa lang sa buhay mo. Sa usapang pamilya, siguro natural na sa atin na pagpasensyahan sila sa abot ng ating makakaya. Iyong kahit kalian ay hindi mo sila kayang sukuan, dahil sila ang kasama mo simula pa no’ng iyong pagkabata hanggang sa maabot mo na ang edad mo ngayon sa kasalukuyan. Dako naman tayo sa mga kaibiganJ woah. Speechless.haha. bakit ganon biglang nawalan ng ideya ang aking isipan pagdating sa mga kaibigan? Siguro… ‘yon nga. Oo, ‘yon nga!
Syempre, kaibigan, dahil sila ‘yong tipo ng taong kailanman ay hindi mo kayang talikuran at tiisin. ‘yong taong lagi mong kasama sa kalokohan, tawanan, iyakan, harutan at higit sa lahat sa ginhawa! Wooh third year second sem na! malapit ng grumaduate XD anong nangyari? At ang pinaka huli ay ang espesyal na taong dumating at dadating sa buhay mo ng hindi mo inaasahan, na kahit anong panloloko at sakit sa ulo pa ang ibigay sa’yo n’yan ay kaya mong tiisin,dahil sa mahal mo s’yaJ

Sila ang mga taong kailanman ay hindi natin kayang patidan ng ating pasensya, dahil sila ang naging dahilan upang lalo pa nating pagtibayin ang pang-unawa natin. Sila ang nagpahaba ng lubid ng ating pasensya. Sila ang nagtatali muli ng mga napatid nating lubid.

Marami akong tanong sa bawat taong napatidan ng lubid ng pasensya, at ito ‘yon: gaano ba katibay ang lubid mo? Gaano ba ito kahaba? Mahalaga ba talaga sa’yo ang mga taong nagiging dahilan upang palawakin mo ang iyong pang-unawa?

At ang huli, kung sakasakali bang napatid na talaga nang tuluyan ang lubid na ‘yan at ayaw mo na itong ipatali muli, kukuhanin mo ba ito at isasabit sa mataas na lugar sabay sabing “Ayoko na, hindi ko na kaya!”

POSSIBILITIES


ROLETA NG KADAYAAN



Kung magkakaroon lang siguro ng hugis ang kadayaan, malamang ay bilog ito. Paulit-ulit na anggulo at umiikot na sistema…walang katapusan.

Sa pagmulat ng mata mo ay matatanaw mo na ang unang kadayaan sa mundo: ang hindi patas na estado sa buhay ng mga tao. Kung ang alagang aso ng kapitbahay nyo ay kumakain ng dog food na may halagang katumbas ng sweldo ng Tatay mo tuwing kinsenas ay mararamdaman mong nadaya nga kayo sa pagpaparte ng kayamanan.

Patuloy na kadayaan pa rin ang sasalubong sa iyo sa pagpasok mo sa inyong klasrum. Sa unang pagkakataon ay ngingitian at kakausapin ka ng seatmate mo dahil midterm nga pala, samantalang imbes na magreview sya kanina ay panay text sa boyfriend nya. Pagsilip mo naman sa mga kaklase mong paboritong upuan ang mga huling bangko tuwing may pagsusulit ay pagsisisihan mong dalawang oras ka lang nakatulog, dahil hawak nila ang mga notes at patagong sumisilip doon.

Pero kung inaakala mong hari na sila sa kadayaan ay nagkakamali ka, tatalunin sya ng mismong propesor nyo. Kaya nyang magbigay ng gradong uno sa mga madalas pumuri sa kanyang bagong bag o sapatos at doon sa mga estudyanteng daig pa ang mga parasitiko kung ‘sumipsip’. Hindi pa nachecheck-an ang mga papel nyo ay may grado na sila, ang daya diba?

*****
Ilang lingo pa lang ang nakakalipas ay lumuwas kami ng kapatid ko papuntang Olongapo. Nakatulog ako sa biyahe kaya akala ko noong bababa na kami ay susunduin kami ni Lola sa terminal, mali pala, ihahatid nga pala namin sya sa kaniyang huling hantungan.

Napakadaya ko. Habang nagrorosaryo kami para sa kaluluwa ni Lola ay kinukurot ko pa rin ang sarili ko, ginigising sa isang bangungot, dahil hanggang sa huli ay ayaw magpatalo ng utak ko sa reyalidad.
Minsan kahit ayaw mo, sasagi sa isipan mo na sa dinami-dami ng mga masasamang tao, bakit ang isang mabuting tao pa ang kailangang mawala?

*****

Hindi ko na rin siguro kinakailangan pang kaladkarin ang salitang kadayaan sa pulitika dahil nakakasigurado ako na hindi sasapat ang papel na ito para isulat ko ng ilang beses ang unang natutunang linya ng mga talunang pulitiko na ‘nadaya ako e’.

*****

Hindi magiging ganap na kadayaan ang isang bagay hanggat walang naaargabyado at walang matapang na taong handang magreklamo. Bilang pagtatapos, nais kong ibahagi ang natutunan ko sa mga oras na sinusulat ko ito. Ang pagkakataon, panahon at mga taong nakapaligid sa atin ay hindi lubos na madaya, ang totoong salarin ay ang utak natin at ang mga bagay na tumatakbo rito.

Wala akong ideya kung ano ang magiging reaksyon mo matapos basahin ang kolum na ito. Gayunpaman, wala kang magagawa, madaya ako.

UNTITLED





Pagbabalik-loob 

Alam mo ba kung ano ang pakiramdam kapag nalaman mo’ng ‘yong taong pinapahalagahan mo ay walang pagpapahalaga sa’yo?Masakit di’ba?iyan din ang madalas maramdaman ng Panginoon.

Sa panahon ngayon,marami na ngang nakakalimot at hindi na naniniwala sa Kanya,higit lalo ang mga kabataan.Bakit?Madalas na sinasagot diyan,”kasi marami akong ginagawa e.”Pero sa mga panahong kailangan ng tao ang tulong ng Panginoon,binibigay Niya lahat ng oras Niya para sa atin,hindi Niya tinitingnan ang dami ng gawain,para sa atin.

Noong nakaraang taon,aminado akong nakalimot ako sa Kanya.Napakadalang ko Siya kung madalaw sa tahanan Niya,ang simbahan.Dumalas nalang noong malapit na ang Pasko,dahil sa Simbang Gabi,kung saan ibibigay daw Niya ‘yong kung anuman ang hiling mo basta makumpleto mo ang Simbang Gabi.

Napag isip isip ko no’ng mga panahong iyon,parang ang sakit kung naaalala ka lang ng mga tao sa tuwing may kailangan sila sa’yo.Naisip ko rin no’n na marami mang hirap ang napagdaanan ko at ng pamilya ko noong nakaraang taon.Masasabi ko pa rin na hindi kami pinabayaan ng Panginoon,hindi ako pinabayaan ng Panginoon.

Kaya naman simula nang pumasok ang bagong taon,ipinangako ko na babawi ako sa Kanya,na kahit sa simpleng paraan,ibabalik ko sa Panginoon lahat ng biyayang ipinagkakaloob Niya sa amin,kahit sa pamamagitan lamang ng pagsisimba linggo-linggo.

Iniisip natin na nakakalimutan tayo ng Panginoon dahil hindi Niya binibigay sa atin ‘yong mga hiling natin,kaya rin nawawala ang tiwala natin sa Kanya.Huwag kasi natin tingnan kung ano ang wala at kung ano ang nawawala,no’n lang natin malalaman na siksik,liglig at umaapaw na pala ang mga binibigay Niyang biyaya.

EMA'K CO



DAYUHAN

“It’s more fun in the Philippines, DAW………….”  

Sa lupang sinilangan ko alam ko na marami ang hambog at mapagmataas. Sa
sobrang talino nga nga mga Pilipino kaya naghihirap ang kapawa nila Pilipino. Marami nga ang nakapag-aral pero parang walang pinag-aralan. Hidi ata nila natutunan sa eskwelahan ang Good manners and Right conduct (GMRC), kasi sila-sila mismo ang naglalamangan, sila mismo ang traydor sa sarili nilang bansa. Kung totoo na It’s more fun in the Philippines,
bakit maraming Pilipino ang mahirap? Bakit marami sa atin ang pinipiling mangibang bansa, magpa-alila sa mga dayuhan at iwanan ang pamilya dito sa Pilipinas? Hindi ko ito sinasabi dahil negatibo ang aking pananaw, sapagkat ito ay bahagi ng katotohannanan at realidad.

Ayon sa Department of Tourism (DOT) pang-akit daw ang bagong logo sa mga turista. Maaring tama sila, pero kapag nagpatuloy ang karahasan sa bansa, tulad ng pag-kidnap sa dalawang dayuhan na manlalakbay sa Mindanao at ang pagpaslang sa mga Chinese national ng isang baliw na pulis noon, marami nga silang maaakit---maaakit na huwag ng pumunta sa bansa natin.

Kasalanan rin naman ng mga Pilipino kung bakit sinusuka nila ang bulok na sistema ng hustisya at pamamalakd sa bansa. Dahil tuwing eleksyon binibigyan ang lahat ng pagkakataon na pumili ng lider 
na karapat-dapat at marunong mag-isip ng tama ngunit nagpapadala parin sa suhol at magagandang salita. Hindi ko alam kung sadya talagang marami ang uto-uto sa lahi natin, pero hindi ba dapat matuto na tayong mag-isip ng tama, dahil marami sa atin ang nakatuntong sa eskwelahan, alam ang TAMA sa MALI, mayaman man o mahirap. Matagal ko nang ino-obserbahan ang galaw sa paligid ko at masasabi ko na marami sa bansa natin ang kapit sa patalim. Sunod-sunuran sa mga mapagmataas at mukang pera na opsiyal. Marahil dala ng karuwagan upang lumaban, ngunit kung natatakot kang magsalita dahil baka nga naman mapahamak ka, NORMAL lang iyan. Dahil ang marunong matakot MATALINO at BOBO lang ang nagsasabi nahindi nila alam kung paano matakot. Ang mga Pilipino ang may-ari ng bansang ito, kaya kung sino man ang higit na dapat makinabang at makadama ng sayang hatid ng “It’s more fun in the Philippines,” tayo
‘yon. Sapagkat hindi lang ang mga turista ang dapat bigyan ng kasiyahan, dahil bago sila dumating sa bansa, nandito na tayo. Tayong mga PILIPINO.  
……..ewan ko, Ano sa tingin mo?