Wednesday, March 14, 2012

SALAMAT


SALAMAT


Naranasan mo na ba ang mapag-isa? Iyong tipong wala ka ng makasama, makausap ng ayos at iniiwasanng mga kaibigan.

Ako, oo naranasan ko na ang ganitong scenaryo sa buhay. Mahirap, malungkot ata nasasaktan ako kahit hindi naman dapat. Wala akong makausap, masabihan ng mga problema o secrets ko at wala akong katawanan kapag masaya ako. Minsan na ring wala akong makausap sa pamilya ko, sa tuwing uuwi ako parang hangin lang akong dumadaan at halaman sa paligid nila. Sa naranasan kong ito sa buhay, nalaman ko na hindi pala sa lahat ng oras ay may kakampi o makakasama ako. Minsan sa pagiging mag-isa ko nalungkot ako ng lubusan naisip ko na wala akong kwentang tao dahil pakiramdam ko lahat ng tao sa paligid ko ay iniwan at ayaw na sa akin. Masaklap ang nangyaring ganito sa aking buhay, pero hindi naman puro negatibo ang ang nangyari at natutunan ko.Natutuo ako tumayo sa sariling paa ko na walang inaasahan isa man sa mga kaibigan ko. Mahirap pero kinaya ko dahil wala akong ibang kakampi kundi ang sarili ko at ang Panginoon siya lang ang nakakausap ko sa mga panahong iyon.

Pero ngayon nagpapasalamat ako na bumalik na ang dating sigla at saya ko, dahil sa mga magagandang nagyayari sa buhay ko ngayon. Dahil sa pagdadadasal ko sa mahal na Panginoon dininig niya ang aking mga dasal at hiling ko sakanya at alam ko na hindi niya ako pababayaan at iiwan. Salamat po.

No comments:

Post a Comment