Wednesday, March 14, 2012

UNTITLED





Pagbabalik-loob 

Alam mo ba kung ano ang pakiramdam kapag nalaman mo’ng ‘yong taong pinapahalagahan mo ay walang pagpapahalaga sa’yo?Masakit di’ba?iyan din ang madalas maramdaman ng Panginoon.

Sa panahon ngayon,marami na ngang nakakalimot at hindi na naniniwala sa Kanya,higit lalo ang mga kabataan.Bakit?Madalas na sinasagot diyan,”kasi marami akong ginagawa e.”Pero sa mga panahong kailangan ng tao ang tulong ng Panginoon,binibigay Niya lahat ng oras Niya para sa atin,hindi Niya tinitingnan ang dami ng gawain,para sa atin.

Noong nakaraang taon,aminado akong nakalimot ako sa Kanya.Napakadalang ko Siya kung madalaw sa tahanan Niya,ang simbahan.Dumalas nalang noong malapit na ang Pasko,dahil sa Simbang Gabi,kung saan ibibigay daw Niya ‘yong kung anuman ang hiling mo basta makumpleto mo ang Simbang Gabi.

Napag isip isip ko no’ng mga panahong iyon,parang ang sakit kung naaalala ka lang ng mga tao sa tuwing may kailangan sila sa’yo.Naisip ko rin no’n na marami mang hirap ang napagdaanan ko at ng pamilya ko noong nakaraang taon.Masasabi ko pa rin na hindi kami pinabayaan ng Panginoon,hindi ako pinabayaan ng Panginoon.

Kaya naman simula nang pumasok ang bagong taon,ipinangako ko na babawi ako sa Kanya,na kahit sa simpleng paraan,ibabalik ko sa Panginoon lahat ng biyayang ipinagkakaloob Niya sa amin,kahit sa pamamagitan lamang ng pagsisimba linggo-linggo.

Iniisip natin na nakakalimutan tayo ng Panginoon dahil hindi Niya binibigay sa atin ‘yong mga hiling natin,kaya rin nawawala ang tiwala natin sa Kanya.Huwag kasi natin tingnan kung ano ang wala at kung ano ang nawawala,no’n lang natin malalaman na siksik,liglig at umaapaw na pala ang mga binibigay Niyang biyaya.

No comments:

Post a Comment