Madaming depekto kaya mura.
Kapalit ng ‘murang’
tuition fee na binabayad mo ay ang ‘di mabilang na sakit ng ulo; mula sa kulang
na gamit at classrooms hanggang sa bulok na sistema ng enrollment. Tanggapin
natin, mahirap na bansa lamang tayo kaya naman nahihirapang tustusan ng
gobyerno ang bawat pangangailangang dapat sana ay nabibigay sa mga mababang
pamantasan.
Kamakailan ay na-aprubahan
na ang inaasahang solusyon sa problema ng enrollment system sa Bulacan State
University; ang LAN-based system kung saan ay malo-localize na ang assessment
process na unang hakbang upang makapag-enroll. Ngunit ‘tila yata ang solusyong
ito ay repleksyon pa din ng limitadong galaw ng unibersidad patungo sa
pag-unlad dahil sa kakulangang pinansyal.
Kung ikukumpara ito sa
ibang pamantasan na ‘di hamak ay may mas malaking badyet at mas mahal na
tuition fee, ito na yata ang pinakamababang solusyon sa problema. Patunay itong
may kapalit ang murang halagang binabayaran mo.
Mahina ang LAN-based
system. Kakambal na nito ang ‘di mabilang na problemang maaaring pagdaan kung
sakaling mapatupad nga ito. Una na dito ang pagkakaroon ng system-related
problems at hacking prone features kung saan ay delikadong mapasok ng illegal
ang sistema ng nasabing machineries. Dagdag pa dito ay malaking gagatusin sa
pagbili ng mga kakailanganing equipments upang magamit ang nasabing sistema. Sa
huli, kung titingnan, hindi epektibong solusyon ito kung isasa-alang alang ang
gastos.
Isa pa, mawawala nga ang
pila sa assessment, lalala naman ang sa cashier at sa registrar. Maliban na
lamang kung ang dating windows ng assessment ay gagawin na ‘din windows ng
cashier upang kahit papaano ay mabawasan ang haba ng pila. ‘Yon nga lang, may
pila pa din.
Mahinang solusyon man ang
unang susubukan ng administrayon, paunang hakbang na din ito sa pag-unlad. Kung
maiiwasan ang mga nabanggit na depekto sa sistema, maaaring maibsan ang
problema sa matagal at mahirap na proseso ng
enrollment sa unibersidad.
Kailangang magtiis kapalit
ang murang halaga.
No comments:
Post a Comment