Wednesday, March 14, 2012

UNSTOPPABLE




Lubid ng Pasensya



Hindi ko alam kung gaano kahaba ang aking pasensya! Basta isa lang ang alam ko, hangga’t kaya ko pang magtiis at umintindi gagawin ko, pero kung dumating na talaga sa punto na hindi ko na kaya, ako na mismo ang papatid sa lubid ng pasensya ko.

Lahat ng tao pinagkalooban ng pang-unawa. Ipagkaila mo man ‘yon, makikita at maipapakita mo pa rin ‘yon sa mga taong mahal mo. Mahal mo na kahit anong gawin nilang kamalian sa’yo ay iintindihan at uunawain mo ang mga saliwang bagay na nagawa nila sa’yo. Sino nga ba ang mga taong kaya nating intindihin ng matagal, ‘yong tipong kahit inis na inis at pikon na pikon ka na, pero hindi mo magawang magalit sa kanila, dahil malaki ang pwesto nila d’yan sa buhay mo, sa puso mo.  Maaaring nangunguna na sa mga uunawain mo ng matagal ay ang pamilya mo, sunod ang kaibigan mo at ang huli ay ang espesyal na taong dumating at dadating pa lang sa buhay mo. Sa usapang pamilya, siguro natural na sa atin na pagpasensyahan sila sa abot ng ating makakaya. Iyong kahit kalian ay hindi mo sila kayang sukuan, dahil sila ang kasama mo simula pa no’ng iyong pagkabata hanggang sa maabot mo na ang edad mo ngayon sa kasalukuyan. Dako naman tayo sa mga kaibiganJ woah. Speechless.haha. bakit ganon biglang nawalan ng ideya ang aking isipan pagdating sa mga kaibigan? Siguro… ‘yon nga. Oo, ‘yon nga!
Syempre, kaibigan, dahil sila ‘yong tipo ng taong kailanman ay hindi mo kayang talikuran at tiisin. ‘yong taong lagi mong kasama sa kalokohan, tawanan, iyakan, harutan at higit sa lahat sa ginhawa! Wooh third year second sem na! malapit ng grumaduate XD anong nangyari? At ang pinaka huli ay ang espesyal na taong dumating at dadating sa buhay mo ng hindi mo inaasahan, na kahit anong panloloko at sakit sa ulo pa ang ibigay sa’yo n’yan ay kaya mong tiisin,dahil sa mahal mo s’yaJ

Sila ang mga taong kailanman ay hindi natin kayang patidan ng ating pasensya, dahil sila ang naging dahilan upang lalo pa nating pagtibayin ang pang-unawa natin. Sila ang nagpahaba ng lubid ng ating pasensya. Sila ang nagtatali muli ng mga napatid nating lubid.

Marami akong tanong sa bawat taong napatidan ng lubid ng pasensya, at ito ‘yon: gaano ba katibay ang lubid mo? Gaano ba ito kahaba? Mahalaga ba talaga sa’yo ang mga taong nagiging dahilan upang palawakin mo ang iyong pang-unawa?

At ang huli, kung sakasakali bang napatid na talaga nang tuluyan ang lubid na ‘yan at ayaw mo na itong ipatali muli, kukuhanin mo ba ito at isasabit sa mataas na lugar sabay sabing “Ayoko na, hindi ko na kaya!”

No comments:

Post a Comment