Nang hindi nila ako pansinin
Ang katalinuhan nasa
kakayahan, wala sa kabisahan.
Mula nang tumuntong ako ng
kolehiyo, sinabi ko na sa sarili ko na hindi na pwede mangayari sa’kin ang
nakasanayan noong High School; hindi pwedeng puro honor students lang ang
napapansin.
Naniniwala akong hindi
nasusukat ang talino sa mga grade na naitatala sa class cards. Kung mababang
grade ko sa Nihonggo, hindi ibig sabihin n’on na mahina na ang ulo ko at mas
matalino sa’kin ang mga nakakuha ng mas mataas na grado. Mas magaling lang siya
magkabisa, at mas masipag magreview.
Tuwing naalala ko ang High
School, unang pumapasok sa isip ko (maliban sa mga masasayang alaala kasama ang
mga kaibigan), ay ang diskriminasyon sa pagitan ng mga honor at non-honor
students, sa pagitan ng cream section at second section. Mula kinder hanggang 4th
year High School, kabilang ako sa cream section pero hindi ako madalas
natutuntong sa tinatawag naming top 20. Kapag nasa top 20 ka, matalino ka na.
Automatic ‘yon. Kayo ang laging leader sa groupings, kayo ang laging bida sa
mga events, at kayo ang laging pinapaboran ng mga teacher. Medyo unfair di ba?
Paano na lang kung ang tunay na matalino pala ay hindi lang masipag mag-aral?
Sa isip-isip ko lang no’n,
mabuting kasanayan ba yo’n para mahubog ang tunay na katalinuhan ng isang tao?
Nakikita ko kung paano i-push ng mga magulang nila, pati ng mismong mga
teacher, ang mga honor students na kaklase ko. Bawal manood ng TV pag may exam
kinabukasan, kailangang magkulong sa kwarto para magreview. Samantalang ako,
manood muna ‘tsaka maglalaro bago buklatin ang notes. Magyayabang na ako, pero
hindi naman ako nagre-review ng todo noong High School pero hindi ako
nalalaglag sa cream section, at hindi ako bumabagsak.
May kanya-kanyang talino
ang bawat tao; may magaling talaga sa numero na tipong sisiw lang ang
karaniwang reklamo ng karamihan na Math. May mga tao naman na magaling magsulat
at magsalita at bawat pahayag nila ay epektibo. Mayroon ‘ding magagaling
gumuhit na halos tawaging halimaw dahil sa mga obrang ‘di mo aakalaing kayang
i-drowing ng tao. Huwag nating gawing sukatan ng kakayahan ang mga grado, hindi
naman pwedeng sa lahat ng bagay matalino ka.
Oo, hindi pwedeng sa lahat
na lang magaling ka. Kung magaling ka sumayaw, baka hindi ka magaling kumanta.
Kung magaling ka sa Math, baka mahina ka sa Grammar. At kung magaling ka sa
lahat ng academics, baka naman mahina ka sa emosyonal na katalinuhan. Nobody is
perfect, yet we should try to look for something we are at least good at.
Sabi ng mga naging teacher
ko sa school na pinaggalingan ko bago ako magcollege na mahihirapan daw akong
maging successful sa buhay kung hindi ko pagtutuunan ng pansin ang problema ko
sa Math. Mahinang mahina ako Math, sa tingin ko nga may dyscalculia ako na
counter-part ng dyslexia. Nawawalan na sila ng pag-asa sa akin, minsan nga
napapagalit ko pa sila dahil sa katangahan ko sa Math. Kaya nasabi nilang wala
akong mararating sa buhay..
Pero madami na akong
napanalong contest pagdating sa writing. Naging National Champion na ako sa
Editorial Writing. Lumalaban na ako sa Regional Press Conferences. Kasalukuyan
akong News Editor ng isang award winning university paper. Tatlong taon na
akong campus journalist. Napapadala na ako sa iba’t ibang parte ng Pilipinas
para dumalo sa mga journalistic seminars. At na-iimbitahan na ako magtalk sa
ibat’ ibang lugar, kabliang na sa akademyang pinanggalingan ko.
Taas noon a akong
nakakaharap sa mga taong nagsabing ang tanga tanga ko sa Math, pero hindi
napansin ang galling ko sa pagsusulat.
No comments:
Post a Comment