Failures
“Ang
pagkakamali, normal yan, pagka-nadapa, normal din. Kung alam mo namang mali at
ipinagpatuloy mo pa, yun ang hindi na talaga tama.” Isa sa mga litanyang
binitawan ng iniidolo kong si Papa Jack na sadyang tumatak sa aking isipan,
hanggang ngayon.
Marami
sa atin ang masyadong ibinababa ang sarili tuwing nagkakamali, pakiramdam nila
wala ng bukas, at sirang sira na ang kanilang mga buhay, ngunit hindi ba nila
naisip na minsan kailangan nating magkamali para maunawaan natin ang mga bagay
bagay?
Matuto
rin tayong tanggapin na hindi tayo perpekto, oo madalas naniniwala tayo na
kailangan maging perpekto tayo sa lahat ng bagay na ginagawa natin,ngunit
kailangan din nating isalang-alang na walang taong perpekto upang mailabas
natin ang ating tunay na pagkatao.
Parang
sa pagmahahal din yan eh, kung nabigo ka sa pag-ibig huwag kang matakot na
umibig muli. Kahit anong gawin mo, basta nagmahal ka, hindi mawawala yung
pagkakataon na masaktan ka, kasi parte yun ng pagmamahal. At sa buhay natin,
hindi ka matututo kung hindi ka magkakamali. Ika nga “learn from your
mistakes.”
Kagaya
ko isa ako sa mga estudyanteng hindi pinagpala pagdating sa numero, sa unang
beses kong kumuha ng College Algebra ay hindi ko naipasa, singko. Hindi ako
nawalan ng pag-asa at sumubok pa ulit ako, ngunit dahil nga hindi ako
pinagpala, INC naman, Pero dahil naniniwala ako sa kasabihang “learn from your
mistakes” di ako sumuko at sa ikatlong pagkakataon, ginawa ko ang lahat, at
naipasa ko ang subject na ito.
Ang
pagkakamali ay hindi lamang isang negatibong bagay na nangyayari sa ating
buhay, kadalasan ay dito pa nga tayo maraming natututunan. Siguro kung paulit
ulit man tayong magkamali, mayroon itong itinuturo sa atin na paulit ulit din
nating kinakaligtaan. Kung mas marami kang pagkakamaling nagawa, mas marami
kang natututunan. Hindi ko sinasabi na wag ka ng gumawa ng tama, mas mabuti
lang na mapagtanto rin natin na may positibong bagay rin palang naidudulot an
ating mga pagkakamali. Magsisilbi rin itong inspirasyon na mas makakapagpatibay
pa sa ating pagkatao. XD
No comments:
Post a Comment