Wednesday, March 14, 2012

EMA'K CO



DAYUHAN

“It’s more fun in the Philippines, DAW………….”  

Sa lupang sinilangan ko alam ko na marami ang hambog at mapagmataas. Sa
sobrang talino nga nga mga Pilipino kaya naghihirap ang kapawa nila Pilipino. Marami nga ang nakapag-aral pero parang walang pinag-aralan. Hidi ata nila natutunan sa eskwelahan ang Good manners and Right conduct (GMRC), kasi sila-sila mismo ang naglalamangan, sila mismo ang traydor sa sarili nilang bansa. Kung totoo na It’s more fun in the Philippines,
bakit maraming Pilipino ang mahirap? Bakit marami sa atin ang pinipiling mangibang bansa, magpa-alila sa mga dayuhan at iwanan ang pamilya dito sa Pilipinas? Hindi ko ito sinasabi dahil negatibo ang aking pananaw, sapagkat ito ay bahagi ng katotohannanan at realidad.

Ayon sa Department of Tourism (DOT) pang-akit daw ang bagong logo sa mga turista. Maaring tama sila, pero kapag nagpatuloy ang karahasan sa bansa, tulad ng pag-kidnap sa dalawang dayuhan na manlalakbay sa Mindanao at ang pagpaslang sa mga Chinese national ng isang baliw na pulis noon, marami nga silang maaakit---maaakit na huwag ng pumunta sa bansa natin.

Kasalanan rin naman ng mga Pilipino kung bakit sinusuka nila ang bulok na sistema ng hustisya at pamamalakd sa bansa. Dahil tuwing eleksyon binibigyan ang lahat ng pagkakataon na pumili ng lider 
na karapat-dapat at marunong mag-isip ng tama ngunit nagpapadala parin sa suhol at magagandang salita. Hindi ko alam kung sadya talagang marami ang uto-uto sa lahi natin, pero hindi ba dapat matuto na tayong mag-isip ng tama, dahil marami sa atin ang nakatuntong sa eskwelahan, alam ang TAMA sa MALI, mayaman man o mahirap. Matagal ko nang ino-obserbahan ang galaw sa paligid ko at masasabi ko na marami sa bansa natin ang kapit sa patalim. Sunod-sunuran sa mga mapagmataas at mukang pera na opsiyal. Marahil dala ng karuwagan upang lumaban, ngunit kung natatakot kang magsalita dahil baka nga naman mapahamak ka, NORMAL lang iyan. Dahil ang marunong matakot MATALINO at BOBO lang ang nagsasabi nahindi nila alam kung paano matakot. Ang mga Pilipino ang may-ari ng bansang ito, kaya kung sino man ang higit na dapat makinabang at makadama ng sayang hatid ng “It’s more fun in the Philippines,” tayo
‘yon. Sapagkat hindi lang ang mga turista ang dapat bigyan ng kasiyahan, dahil bago sila dumating sa bansa, nandito na tayo. Tayong mga PILIPINO.  
……..ewan ko, Ano sa tingin mo?

No comments:

Post a Comment